Bebot kulong sa pekeng gold bar sa Caloocan City

prosti-bars

SWAK sa kulungan ang isang bebot habang nakatakas ang kasama niyang lalaki matapos bentahan ng pekeng gold bar ang isang negosyante sa Caloocan City Martes ng gabi,  Enero 29.

Kinilala ang suspek na si Mailyne Marinay, 24, ng Tambakan St., Maypajo ng lungsod.

Sa ulat, alas-6 ng gabi, nagkasundo ang mga suspek at biktimang si Elvira Ramos, 48 na bibilhin ang gold bar ng mga suspek sa halagang P100,000.

Nagkasundo na sa malapit sa palengke ng Maypajo sa J. P. Rizal st., ng lungsod magbabayaran at nang iabot ng biktima ang pera ay inabot naman ang kalahating piraso ng gold bar umano.

Napansin agad ng biktima na peke ang gold bar at agad na nagsisigaw nang mapansin na papatakas na ang mga suspek.

Napigilan ng mga barangay tanod si Marinay subalit nakatakas ang kasama dala ang pera ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply