Bebot kulong sa shabu sa Caloocan City

prosti-bars

HINDI nagawang makaisa sa mga pulis ng isang babae matapos itapon ng huli ang coin purse na naglalaman ng shabu nang maramdaman aarestuhin ng grupo habang papalabas sa eskinita na bilihan ng shabu sa Caloocan City Linggo ng gabi, Enero 20.

Kinilala ang suspek na si Anna Liza Casiniares, 40, ng General T. De Leon, Valenzuela City.

Sa ulat, nagsasagawa ng surveillance operation ang mga pulis laban sa mga tulak na nakilala lang sa mga alyas Egoy at alyas Tingpe sa Sugpo Alley, Caloocan City.

Nakita ng mga pulis ang paglabas ng suspek sa nasabing eskinita kung saan nang mapansin ng babae ang mga pulis ay mabilis na itinapon ang dalang coin purse na kulay brown.

Agad naglapitan ang mga pulis at nang pulutin ang coin purse ay nakita sa loob ay nakita ang isang sachet ng shabu na naging dahilan upang dalhin sa presinto ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply