Bebot na big time pusher nalambat ng PDEA

prosti-bars

SWAK sa kulungan ang isang babaeng big time pusher matapos madakip  ng operatiba ng Philippine Drug  Enforcement  Agency (PDEA) sa isang  buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala  ang nadakip na si  Monik Alonzo, 38, ng Block 39 Lot 9 Datu Ismael, Dasmarinas City, Cavite.

Ayon sa PDEA nitong  nakalipas  na Enero 8, 2013, dakong 12:05 ng madaling-araw nang nadakip ng operatiba ng PDEA -Special Enforcement Service (SES) sa ilalim  ni Director Jeoffrey Tacio at Regional Office 4A (CALABARZON) Director Emerson L Margate  sa isinagawang  buy-bust operation sa Central Mall parking area sa kahabaan  ng Aguinaldo Highway, Brgy. Salitran 2, Dasmarinas, Cavite na nagresulta sa pagkakadakip ni Alonzo.

Nakumpiska ng operatiba ng PDEA  kay Alonzo  ang  ilang sachet  ng shabu na tinatayang nasa  50 gramo at may market  value  na  P 250,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply