Bebot na parak ‘di na kailangan sa checkpoint – Purisima

lady-cop

HINDI na kailangan pa na magtalaga ng mga babaeng pulis sa mga checkpoint na inilatag ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng election period.

Ito ang naging tugon ni PNP chief, Director General Alan Purisima sa naging panawagan ng ilang grupo ng mga kababaihan na magtalaga ng mga babaeng pulis sa checkpoints.

Ayon kay Purisima, pagsilip lamang naman o plain view ang paraang ginagawa ng mga pulis na nakatalaga sa mga checkpoint.

Ayon pa sa opisyal, wala umanong body search o hindi naman kakapkapan pa ang mga motorista kung kaya’t wala aniyang dapat ipag-alala ang mga babaeng  nagmamaneho ng sasakyan na maisasailalim sa checkpoint.

Paliwanag pa ng opisyal na may mga pamilya rin ang mga babaeng pulis kung kaya’t hangga’t maaari ay ibinibigay naman sa kanila ang pagkakataon na magampanan nila ang pagiging ina ng tahanan lalo na sa gabi.

Gayunpaman, nilinaw ni Purisima na marami pa rin mga babaeng pulis ang isinasabak nila sa operasyon, lalo na sa anti kidnapping group na ilang araw ding hindi nakauuwi sa kanilang mga pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply