Bebot na rider tumilapon na, nasagasaan pa ng bus sa QC

crime

NAMATAY ang isang babae na angkas ng isang motorsiklo nang tumilapon at masagasaan pa ng kabuntot na pampasaherong bus kaninang umaga sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon sa report, ang insidente ay naganap dakong 6:00 ng umaga nang biglang tumigil ang Viofel Transport na may kabuntot na motorsiklo na nakasakay ang isang lalaki na kaangkas ang biktima.

Dahil sa bilis, hindi na nakuhang magpreno ang lalaki at sumalpok ang motorsiko sa likuran ng bus na naging dahilan para tumilapon ang babae.

Habang nakatimbuwang sa kalsada ang babae, dumating ang isa pang pampasaherong Safeway Bus na may plakang TXP 835 at aksidenteng nasagasaan sa ulo ng babae.

Agad humarurot ang driver ng Safeway Bus para takasan ang insidente habang ang driver naman ng Viofel Transport ay iniimbestigahan na rin ng awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply