Bebot na tumalon sa MRT mapuputulan ng paa

emergency

MAPUPUTULAN ng paa ang babaeng tumalon sa paparating na Metro Rail Transit (MRT) sa Shaw Boulevard station kaninang umaga.

Ang biktima na nakikilalang si Rica Fernandez, 28-anyos, ay nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa rail tracks para masagasaan ng tren na naganap dakong alas 11:15 a.m.

Sinabi rin sa ulat na habang inaalam pa rin ng MRT administrators kung may katotohanan ang kuwento ng mga testigo na nagtangkang magpakamatay ng biktima, inaalam din nila ang impormasyon na ang babae ay tinangkang kunin ang kanyang pitaka na nahulog sa riles ng tren.

Sinabi ni MRT general manager Al Bitangcol III na si Fernandez, na ang tuhod ay naipit ng tren, ay itinakbo sa ospital at ayon sa mga doktor na tumingin dito, maari itong maputulan ng kanang paa.

Dahil sa pangyayari, naapektuhan ang may 300,000 pasahero ng MRT.

Naibalik naman ang normal operations dakong 12:30 p.m.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply