Bebot sapol ng ligaw na bala, malubha

emergency

KRITIKAL ngayon ang kondisyon ng isang babae matapos tamaan ng bala mula sa hindi pa kilalang suspek na hinahabol ang isang hindi pa kilalang lalaki sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital si Maricel Borlagdan, 28 ng Tagumpay St., Bagong Barrio ng lungsod, sanhi ng tama ng bala sa noo.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang makasalubong ang hindi pa kilalang lalaki na hinahabol ng suspek.

Nagpaputok ang suspek subalit minalas na ang biktima ang tinamaan na naging dahilan upang dalhin sa MCU, habang hindi tumigil ang mga naghahabulan.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply