Bebot tiklo sa pagbebenta ng ‘putok’ na isda

behind-bars-2

LAOAG CITY – Arestado ang isang babaeng nagbebenta ng mga putok na isda o mga isda na galing sa dynamite fishing sa Barangay Caruan, Pasuquin, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ang naaresto na si Laeng Maria de Asis, ng nasabing barangay.

Ayon sa Pasuquin Philippine National Police (PNP) nakatanggap sila ng impormasyon na talamak ang bentahan ng mga isdang putok sa gilid ng dagat sa Barangay Caruan.

Agad na inaksyunan ito ng mga lokal na pulis at inabutan si De Asis na nagbebenta ng mga iba’t ibang uri ng isdang galing sa illegal dynamite fishing.

Pahayag naman ni De Asis, hindi umano niya alam na ang kanyang mga itinitindang isda ay galing sa putok.

Inginuso rin ni De Asis ang magkapatid na mgangingisda na sina Lorenzo at Ferdinand Ragonjan na siyang nagbenta sa kanya ng mga isda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply