Belgian student dumayb mula sa 5th floor ng iskul sa Bacolod, patay

TODAS ang isang Belgian student makaraang tumalon mula sa 5th floor ng gusali ng isang pamantasan sa Bacolod City.

Nakilala ang nasawi na si Matthew Guerts, 19, 2nd year exchange student ng University of Saint La Salle, cross-enrollee rin sa La Consolacion College (LCC)-Bacolod, na may kursong Digital Media Arts and Communication.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Bacolod City Police Station 1 na posibleng nagpakamatay ang biktima na umano’y umakyat sa rooftop ng gusali at saka tumalon.

Sinadya umano ang pagtalon dahil mayroong barrier ang LCC sa rooftop para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.

Nabatid pa na may nakuhang sulat ang awtoridad na pinaniniwalaang suicide note mula sa biktima ngunit mangangailangan ang pulisya ng interpreter dahil nakasulat ito sa French.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply