Belmonte caretaker na ng 2nd district ng Bohol

sonny-belmonte-jr

SI HOUSE Speaker Feliciano Belmonte, Jr. muna ang tatayong caretaker ng ikalawang distrito ng Bohol kapalit ng namayapang si Rep. Erico Aumentado na namatay noong gabi ng December 25, 2012 dahil sa pneumonia.

Ito ay nangangahulugan na direktang si Belmonte na ang makikipag-ugnayan sa mga staff ng yumaong kongresista tungkol sa mga operasyon nito at kaugnay na rin sa pangangailangan ng mga constituent nito.

Ipinaliwanag pa ni Belmonte na hindi na nagdaos pa ng special elections sa naturang distrito dahil kapos na sa panahon at nalalapit na ang national election sa Mayo.

Nakapaloob aniya sa  Republic Act 7166 o ang Synchornized National and Local Elections na “sa sandaling magkaroon ng permanenteng bakante sa Senado o Kamara isang taon bago matapos ang termino nito ay maaaring magpatawag o magsagawa ng special election para sa nabakanteng pwesto.

Pinapurihan naman ni Belmonte si Aumentado dahil sa hindi nito matatawarang pagseserbisyo sa publiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply