Benepisyo ng 200 PCGG employees, ibibigay

PCGG

TINIYAK ng pamunuan ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na mabibigyan ng sapat na benepisyo ang may 200 empleyado sa harap ng napipintong pagbuwag sa ahensya.

Ayon kay PCGG Chairman Andres Bautista, kasama sa kanyang isinumiteng panukala kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino ang pagbibigay ng bagong trabaho at pagkakaroon ng special package para sa mga maagang magreretiro.

Samantala, binigyang diin ni Bautista na natupad naman ng ahensya ang direktiba sa kanila para habulin ang mga natatagong yaman na kinurakot sa bansa.

Ayon kay Bautista, umabot sa P164 Bilyon ang kanilang naibalik sa kaban ng bayan.

Ikinalungkot at ikinadismaya ng mga empleyado ng PCGG ang plano na buwagin na ang kanilang ahensya makaraang aminin ni Bautista na masyado ng magastos ang paghahanap sa umano’y mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply