Benepisyo ng OFWs na naapektuhan ng hostage crisis sa Algeria, tiniyak ng OWWA

TINIYAK ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na agad nilang ibibigay ang mga benepisyo ng mga overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan ng hostage crisis sa Algeria.

Kabilang sa naturang benepisyo ang medical and burial assistance at scholarships para sa mga dependent ng mga ito.

Maliban dito, tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maibibigay sa mga OFW ang mga naiwan nilang sahod mula sa pinasukang kompanyang, gayundin ang gastusin sa kanilang repatriation.

Sinimulan na rin ng DFA ang pangangalap ng address ng lahat ng Pinoy workers na naapektuhan ng hostage crisis sa naturang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply