Bespren ni Pacman diniskuwalipika ng Comelec

wakee-salud

HINDI pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) na tumakbo sa May 13 local elections ang boxing promoter na si Rex ‘Wakee’ Salud, na umano’y matalik na kaibigan ni Pinoy boxing champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Nakasaad sa Comelec Resolution No. 9614 na na-promulgate ng Comelec noong Enero 15, hindi kuwalipikado si Salud na tumakbo sa mayoralty race sa bayan ng Cordova sa Cebu matapos na hindi makasunod sa itinatakdang residency requirement.

Makakaharap sana ni Salud sa eleksyon ang reelectionist na si incumbent Mayor Adelino Sitoy ng Liberal Party (LP).

Kaugnay nito, bilang resulta nang pagkakabasura sa petition for inclusion, kinansela na rin ng Comelec ang Certificate of Candidacy (COC) na inihain ni Salud.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply