BFAR nagbabala vs red tide sa 2 coastal area sa Mindanao

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghuli, paghango, pagbenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish mula sa dalawang coastal areas ng Mindanao.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, batay sa pinakahuling lab tests, ang mga shellfish na mula sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Murcielagos Bay in Zamboanga del Norte at Misamis Occidental ay nakitaan ng “paralytic shellfish poison” na lagpas sa regulatory limits.

“All types of shellfish, as well as the Acetes species or alamang, from those areas are not safe for human consumption,” ayon kay Perez.

Gayunman, ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at crabs basta tiyaking sariwa, nahugasang mabuti at naalis ang hasang at bituka bago lutuin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply