BI inutil sa nagkalat na mga iligal na dayuhan

illegal-alien

KINASTIGO ni Davao Rep. Karlo Nograles ang Bureau of Immigration dahil sa kabiguang ma-monitor ang iligal na pananatili ng mga dayuhan sa bansa kagaya na lamang ng isang nasangkot sa barilan sa Cebu court.

Kinuwestyon ng kongresista kung bakit hindi agad naipa-deport sa kaniyang bansa ang retiradong Canadian journalist na si John Pope na bukod sa mga kasong sibil na kinakaharap ay may kaso na rin ito ng pagadala ng hindi lisensyadong baril at pedopilya.

Agad ay pina-iimbentaryo ni Nograles sa Bureau of Immigration ang mga overstaying alien sa bansa upang agad na marepaso ang mga kaso ng mga ito at agad maipa-deport.

Si Pope, 66 taong gulang ay nakapamaril muna ng dalawa sa loob ng Palace of Justice sa Cebu City bago ito diumano nagpakamatay sa mismong korte.

Tinukoy ni Nograles na napag-alaman niyang 14 na taon nang naninirahan sa Pilipinas si Pope at lumagpas na ito sa kanyang takdang pananatili sa Pilipinas at nararapat lamang na matagal na itong pinabalik ng Immigration bureau sa Canada.

Ngunit higit na ikinababahala ni Nograles na sa kabila ng pagkakaroon ng ulat na si Pope ay isang pedopilya na nambiktima ng mga batang lalaki sa nasabing lugar ay wala umanong ginawang aksyon ang BI.

Mungkahi ni Nograles hanapin ng BI ang mga dayuhang naninirahan sa PIlipinas lalo na yaong may expired na visa at may kaso sa korte.

Dapat ding i-rebyu at bilisan ng BI ang pagdedeport sa mga dayuhan lalung-lalo na yaong mga ‘undesirables’.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply