BI panagutin sa Cebu shooting rampage – Prosecutors league

crime9

NANAWAGAN ang Prosecutors League of the Philippines kay Justice Sec. Leila de Lima na panagutin ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration na “pabaya sa tungkulin” at “tulog sa pansitan” na nagresulta sa madugong pamamaril ng isang dayuhan sa lalawigan ng Cebu noong Enero 22.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Atty. Jamie Umpa, Region 10 chief prosecutor at pangulo ng Prosecutors League of the Philippines, dapat matukoy at maparusahan ang mga opisyal at tauhan ng BI sa kanilang bigong pag-aresto kay John Holdridge Pope, 67, Canadian national, sa kabila ng standing warrant of deportation (WoD) dito ng BI noon pang isang taon.

Ang panawagan ni Umpa kay de Lima ay bilang reaksyon sa ulat ng pahayagang ito hinggil sa detalye ng warrant laban kay Pope at ang kabiguan ng BI na maipatupad ito.

“Dapat malaman kung bakit hindi ‘na-serve’ ang warrant laban kay Pope; dapat malaman at managot ang mga opisyal ng BI na ‘tulog sa pansitan,’” diin pa ni Umpa.

Aniya pa, hindi na sana nauwi sa trahedya ang lahat noong nakaraang linggo kung saan isa sa mga biktima ni Pope ay si Cebu City Assistant Prosecutor Maria Theresa Casiño na malubhang nasugatan matapos barilin sa leeg.

Patay naman sa pamamaril ni Pope si Atty. Juvian Achas at ang kliyente nitong si Dr. Rene Rafols, sa loob ng Branch 6 ng Cebu Municipal Trial Court sa ika-apat na palapag ng gusali.

Nasa kritikal pa ring kondisyon ang piskal habang nagpakamatay naman si Pope nang masukol ng mga awtoridad

Sa rekord ng BI, may standing “WoD” si Pope na may petsang Disyembre 6, 2012 at pirmado ni BI Comm. Ricardo David Jr.

Batay pa sa dokumento, binigyan ng 48-oras si BI acting intelligence division chief at spokesperson, Atty. Antonette Bucasas Mangrobang, upang hulihin, ikulong at ipatapon palabas ng bansa, si Pope.

Subalit, sa hindi pa malamang dahilan, hindi umaksyon si Mangrobang sa direktiba at nauwi sa trahedya ang lahat nang “maghuramentado” si Pope sa Cebu Palace of Justice noong Enero 22, gamit ang isang .38 revolver.

“Dapat malaman kung bakit hindi ‘na-serve’ ang warrant laban kay Pope; dapat malaman at managot ang mga opisyal ng BI na ‘tulog sa pansitan,’” diin pa ni Umpa.

Aniya pa, hindi na sana nauwi sa trahedya ang lahat noong nakaraang linggo kung saan nabiktima pa si Casiño na miyembro ng kanilang samahan.

Hindi naman makunan ng pahayag si Mangrobang na umano’y nasa isang “official trip” sa China habang patuloy namang tahimik ang tanggapan ni David sa kontrobersiya.

Ayon pa kay Umpa, sa kasalukuyan ay mayroon na silang “fund-raising campaign” upang makalikom ng pondo bilang tulong-pinansiyal sa pagpapagamot ni Casiño.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply