BIAZON MAY MAGANDANG BUENA MANO SA 2013

pakurot

WALA talagang kadala-dala ang couriers ng drug syndicate na nais na makapagpuslit ng illegal drugs sa Pilipinas sapagkat may Buena-mano ngayong 2013 ang Bureau of Customs kung kilo-kilong high grade shabu na nagkakahalaga ng P35 milyon ang nasabat mula sa isang pasahero galing ibang bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Magandang accomplishment ito para kay BoC Commissioner Ruffy Biazon sapagkat patuloy ang pagpapatunay niya na hindi natutulog sa pansitan ang kanyang mga opisyal at tauhan ngunit nalulungkot pa rin siya sapagkat kababayan natin ang nagpuslit na si Rosendo Bastatas Ariata.

Gayunman, iniutos ni Biazon ang pagsasampa ng kaso laban kay Ariata na nagtangka pang suhulan ang mga duty customs examiner at detachment commander na si Lt. Antonio Punzalan.

Nabigo ang courier at sa halip ay nabuking ang kanyang modus operandi na paglalagay ng mahigit pitong kilo ng shabu na itinago sa mga kahon ng gatas. Sa imbestigasyon ni BOC-NAIA legal and investigation at Task Force React chief Byron Carbonel, dumating sa NAIA terminal 2 si Ariata lulan ng PR Flight 307 mula saHong Kong at sinita dahil sa napansing mabigat ang laman ng kanyang check-in baggage.

Naniniwala si Biazon na binago ng sindikato ng droga ang kanilang estilo dahil makailang beses na silang nabigo sa tangkang pagpapasok ng droga noong nakaraang taon gamit ang ilang dayuhan na pa-wang nahuli.

Malamang ay inisip ng mga puno ng sindikato na madaling makalulusot sa Pilipinas ang drogang ipapasok kung Pinoy ang kanilang gagamitin subalit ito ang naging malaking kamalian ng grupo. Ang masakit, ipinagigisa pa ni Biazon si Ariata upang mabisto kung anong sindikato ang nagpapadala ng droga sa bansa.

Maipagmamalaki naman ang mga tauhan ni Biazon na hindi nasilaw sa kislap ng salapi at sa halip ay mas pinili na gampanan ang kanilang tungkulin at iligtas sa tiyak na kapahamakan sa droga ang mga mamamayan.

Happy birthday to Assistant Secretary Alvin Feliciano, my super-bait na boss. Boss, bonus naman diyan. hi hi hi!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply