BIAZON POSITIBO SA BOC COLLECTION TARGET SA 2013

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

PUNO ng pag-asa si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon na maaabot ng naturang ahensya ang itinakdang target ng pamahalaan ngayong taon para sa koleksyon nito ng buwis o taripa sa mga kalakal na papasok at lalabas ng bansa sa lahat ng port na sakop nito sa buong Pilipinas.

Kaugnay nito, nagsagawa rin ng re-configuration si Biazon sa BoC na kung saan nagkaroon ng palitan sa port assignment ang mga district collector na maglalagay sa mga mahuhusay na kolektor sa mga port na mas kailangan ng sapat na atensyon.

Ayon kay Biazon, patuloy ring magaganap sa ahensya ang re-assignment/reshuffle sa mga opisyal ng BoC partikular na sa ilang hindi magagampanam ang pangunahing tungkulin at hindi maaabot ang ekspektasyon nito.

Tila wala ng makapipigil pa kay Biazon na tuluyang tibagin ang sa tingin nito ay nagiging hadlang sa pagtaas ng koleksyon ng BoC kasama na rito ang smuggling at labis na “human intervention” sa lahat ng proseso bago makapasok/labas ng bansa ang mga kalakal.

Itutulak na rin ni Biazon ngayong taon ang pagkakabuo ng plano nitong modernization at computerization program sa revenue collection ng ahensya nang sa gayon ay tuluyan nang maalis ang pagkakataong makapagsamantala ang ilang tiwaling tauhan ng BoC.

Bagama’t mas mataas ang koleksyon sa buwis ng BoC noong 2012 kumpara sa mga nakalipas na taon, ayon kay Commissioner, tuloy-tuloy pa rin na sasailalim ang BoC sa ilang makabagong patakaran na makatutulong sa pagtaas ng koleksyon nito sa buwis.

Samantala, ang mga kabilang  sa naapektuhan  ng re-shuffling ay sina dating BOC X-Ray Unit Chief lawyer Lourdes Mangaong na ngayon ay Disrict Collector na ng Cagayan de Oro habang ang papalit naman sa posisyong iiwan nito ay si dating Subic Port Collector lawyer na si Mimel Talusan.

Kabilang din sa kanila sina Office of the Commissioner Acting Chief-of-Staff lawyer Adelina S. Molina na ngayon ay Subic Port Collector na, habang si Port of Cebu District Collector Lawyer Ronnie Sivestre at Port of Clark District Collector Lawyer Edward de la Cuesta ay magpapalitan na ng port assignment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply