BIDA-MATERIAL

inton

SALUDO ako sa mga producer na gumagawa ng mga pelikula na tulad ng El Presidente na tungkol sa buhay ng mga sikat at pangunahing mga tao sa ating kasaysayan.

Kahit pa marami ang nagsabi na ‘fraction of the truth’ lang daw ng totoong nangyari sa kasaysayan ang kwento sa El Presidente at hindi raw ‘historically correct’ ang script ng nasabing pelikula na bida si Nora Aunor at ER Ejercito.

Ang isa nga sa puntos ng mga nag-react ay halos 50 years old na raw si ER na gumanap na Emilio Aguinaldo samantalang si totoong buhay, noong nangyari ang kwento ay wala pang 30 anyos si Aguinaldo.

Sa ganang akin, okay lang, sabi nga “history is just a fraction of the truth.”

Pero mabuti na rin at talaga namang ‘good attempt’ ang pelikula sa paglalarawan sa isang parte ng ating kasaysayan.

At dahil nga sa magandang pagtanggap sa El Presidente nitong katatapos pa lang na Metro Manila Film Festival, sana ay marami pang producer ang gumawa ng mga katulad na pelikula.

Napakaraming bayani at bida-materials sa ating kasaysayan.

Nariyan si Macario Sakay, isang astig na Filipino na pinakamatagal na lumaban sa mga Kastila.

Kung gusto ng mga producer ng firsthand info, may apo si Sakay na kasalukuyang Barangay Captain sa Santol, Quezon City.

Sa totoo lang, hindi pa masyadong nagiging bida sa mga sine si President Manuel L. Quezon.

Marahil ay hindi na tungkol sa pulitika ang maging istorya sa kanya kundi sa buhay ni Quezon bilang isang tao, marami raw siyang bisyo na tipikal sa isang lalaki, pero isang magaling na lider at tunay na bayaning Filipino.

Pwedeng bida bilang Quezon si Jake Cuenca na pamangkin ni Manoling Morato.

Maaalalang ang ama ni Manoling ang isa sa mga kanang-kamay at matalik na kaibigan ni MLQ.

Nariyan ang pangalang Jose Abad Santos, isang Punong Mahistrado ng Supreme Court, great-grandfather ni Senator Jamby Madrigal.

Madrama ang buhay ni Abad Santos na puno ng aral sa pagiging isang patriyotikong Filipino.

Ayon sa kwento, ang sabi raw ni Chief Justice Abad Santos sa kanyang anak bago siya patayin ng mga Hapon – “Bihira ang mga taong nabibigyan ng pagkakataon na mamatay para sa bayan.”

Nariyan din ang marami pang kwento tungkol kay Jose Rizal na hindi pa nagagamit na material sa isang pelikula.

Ang ilan sa mga pelikulang tungkol kay Rizal tulad nang ginanapan ni Cesar Montano ay kumita naman sa takilya.

ariel.inton@gmail.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply