Bidders na nanalo sa MRT fare collection, ihahayag ng DOTC

mrt-security

IHAHAYAG na ng Department of Transportation and Communications (DoTC) ang winning bidders ng automatic fare collection system ng Metro Rail Transit o MRT.

Ayon kay DoTC Secretary Joseph Emilio Abaya, kanila na lamang tinitimbang na mabuti kung sino sa 22 nag-qualify sa bidding ang bibigyan ng kontrata.

Binanggit ng kalihim na mula sa 140 bidders na sumali sa pre-bid consultation noong Disyembre at bumili ng bid documents ang isasalang sa pre-qualification kung saan pipiliin ang mga pinakambaba ang bid.

Dadaan naman sa post-qualification ang mga may mababang bid para malaman kung sino ang may karapatang mamahala sa naturang fare collection system.

“This is a clear example of pure PPP project of DOTC, wherein investments will purely or completely come from private sector. There would be no government participation or subsidy,” ani Abaya.

Ayon pa sa kalihim, nakatakdang buksan ang prequalification documents sa Pebrero 14 para malaman kung sino-sino ang maaring magbid sa operation ng proyekto kung saan maaring magamit ang isang tiket para sa MRT at dalawang linya ng LRT, katulad sa Octopus card sa Hong Kong.

Sinabi rin ni Sec. Abaya na hinihintay na lamang ng Department of Finance (DoF) and Executive Order mula sa Malacanang para tuluyang maisagawa ang buy-out sa shares ng Metro Rail Transit para ang gobyerno na ang mag-operate at mag-maintain dito.

Sinabi rin ng kalihim na magsasagawa sila ng public bidding sa kontrata ng interim maintenance provider ng MRT kapag hindi natuloy ang buy-out.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply