BIG BAD BAWANG BIRTHDAY BUILD

trending ngayon

KAHAPON – January 13 – ay birthday ng head writer at creative consultant ng ABS-CBN Entertainment na si Garlic Garcia o @bigbadbawang sa kanyang Twitter account.

Pero nitong nakaraang Sabado, imbes na magbigay si Big Bad Bawang ng magarbong party para sa kanyang showbiz friends at executives ng kanyang network, mas pinili niyang magtayo ng mga bahay para sa public school teachers sa Bistekville, Payatas, Quezon City sa pamamagitan ng kanyang Big Bad Bawang Advocacy sa pakikipagtulungan ng Habitat for Humanity.

Isa ako sa mapalad na naimbitahan ni Big Bad Bawang para sa kanyang birthday build. Kaya naman nagtulong-tulong kami nina Karen Davila, Ruffa Gutierrez, Phoemela Baranda, Miriam Quiambao, Cristalle Bello, Bubbles Paraiso, Frank Briones, Tim Yap, at maraming iba pa naroroon sa pagsesemento sa mga hollow blocks sa hilera ng mga itinatayong bahay sa Bistekville.

Pangalawang taon na ni Big Bad Bawang sa kanyang advocacy. Last year, bilang kanyang personal retreat at pagkilala sa mga kabutihang kaloob ng Panginoon sa kanya, niyaya niya ang kanyang mga kaibigan at tagasuporta sa Payatas at iyon ang naging simula ng Big Bad Bawang Birthday Build.

Ayon kay Big Bad Bawang (sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na @bigbadbawang) sa mismong araw ng kanyang birthday build ngayong 2013: “Perfect cool sunny day 2 build homes 4 public school teachers thru my advocacy.”

Pero bago ang tweet na iyon, ito muna ang kanyang tweet: “Rain Rain Go Away.. Come again another day… My friends&I want to build homes for public school teachers today :-) #miracles”

At muling pinakinggan ng Panginoon ang mabubuting tao na tulad ni Big Bad Bawang.

***
MANININDIGAN ako para sa Pilipinas bilang nasyong may edukasyon at narito ang mga batas na akin pang isusulong:

BILL OF RIGHTS FOR NEW GRADUATES. Matutulungan ang bagong Pinoy college graduates na makahanap agad ng trabaho at malilibre na rin ang kanilang pagkuha ng requirements bilang job applicants.

PUBLIC SCHOOL TEACHERS’ SALARY INCREASE. Matitiyak ang de-kalidad na edukasyon sa bansa dahil kung kontento ang Pinoy public school teachers, hindi na nila kailangang mag-abroad o maghanap ng ibang trabaho.

FREE COLLEGE ENTRANCE EXAM. Madaragdagan ang oportunidad ng matatalino subalit mahihirap na Pinoy graduating high school students na makapasok sa mahuhusay na kolehiyo at unibersidad.

COMPREHENSIVE STUDY-NOW-PAY-LATER PROGRAM. Palalawakin ang sakop ng study-now-pay-later program para hindi maging hadlang ang kahirapan para sa Pinoy students na makakuha ng college degree.

***
Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply