BIGTIME BOC AT BIGTIME RUFFY

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

IBANG klase talaga itong hepe ng Bureau of Customs na si Commissioner Ruffy Biazon dahil naitala niya sa record ng bansa ang pinakamalaking huli ng droga noong 2012.

Mas malaki pa ang bilang ng huli ng BOC kaysa sa Philippine Drug Enforcement Agency sapagkat naging matiyaga ang mga tauhan ni Biazon sa pagbabantay sa mga paliparan at daungan ng bansa.

Hindi nakaporma ang mga drug mule na nagtutungo sa Pilipinas upang magpalusot ng droga sapagkat batid na ang kanilang modus operandi. Kaya naman laglag ang balikat ng international drug syndicate.

Pag-upong-pag-upo ni Biazon sa Aduana ay ipinag-utos na niya ang dobleng pagbabantay sa mga kontrabando na inilulusot ng mga tiwaling negosyante.

Mas pinahigpitan niya ang pagbabantay sa mga nagpapalusot ng droga.

Malupit ang naging record ng pamumuno ni Biazon sa BOC kaugnay sa kampanya ng droga noong 2012 sapagkat sila ang nakapagtala ng pinakamalaking huli ng droga.

Umabot sa mahigit 53 kilo ng shabu, 8 kilo ng cocaine, 33 kilo ng Marijuana at iba pang klase ng droga na tinangkang ipuslit sa paliparan.

Umabot sa mahigit P465 milyon ang halaga ng droga na nakumpiska ng mga tauhan ng BOC kung saan hindi nakalusot ang estilo ng sindikato dahilan upang maaresto ang may 17 drug mule na karamihan ay pawang dayuhan.

Hindi lang paghanga ang dapat na ibigay kay Biazon ng pamahalaan at maging ng mga mamamayan kundi kailangang saluduhan natin siya sa kanyang layunin na walisin ang mga tiwali sa pamahalaan.

Kaya naman mas lalong tumitindi ang tiwala sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino sapagkat alam nito na ang layunin at programa ni Biazon ay katulad ng kanyang nais na pagtahak sa ‘tuwid na landas.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply