Bike rider inararo ng sasakyan, tepok

crime

NAMATAY ang isang bike rider makaraang tumilapon nang banggain ng isang Honda Civic sa Edsa/ F.B. Harrison, Pasay City kaninang madaling araw.

Patay na nang idating sa Pasay City General Hospital ang biktima na kinilalang si Delfin Arellano, may sapat na gulang, sanhi ng pinsala sa ulo at lamog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, naaresto naman ang suspek na kinilalang si Oliver Reyes Agbayani, 35 anyos, may asawa, empleyado ng Pagcor at residente ng No.2712 A.Hen Capinpin St.,  Bangkal, Makati City.

Sa inisiyal na imbestigasyon ni SPO1 Marianito Agas ng Traffic Enforcement Unit ng Pasay City Police, dakong alas:4:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Edsa cor. FB Harrison St. nang hindi mapansin ng driver ng Honda Civic na may plakang TGZ-976 ang biglang pagsulpot sa kaliwang bahagi ng biktima.

Tumilapon ang biktima at tumama ang ulo sa sementadong kalsada bago nagpagulong-gulong na naging sanhi ng pagkakabali-bali ng buto nito.

Kaagad na isinugod ni Eduardo Zafra ng Pasay City Rescue Team sa naturang pagamutan ang duguang katawan ng biktima nguni’t sa kasamaang palad ay idineklara nina Dr.Noel Lo at Dr. Victor Poitera na patay na ang biktima bago idating sa naturang pagamutan.

Ang suspek na nakabundol sa biktima ay sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa Pasay City Prosecutor’s Office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply