Biktima ng paputok pumalo na sa 697

doh-eric-tayag-2

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 697 ang bilang ng mga nasugatan sa paputok sa pagsalubong sa Taong 2013.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), na ang naturang bilang ay naitala simula Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Miyerkules.

Gayuman, sinabi ni Tayag na ito’y 29 porsiyentong mas mababa sa naitalang firecracker-related injuries sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

“As of 6 a.m. Jan. 2, the total firework-related injuries reached 697 versus 984 last year or 29-percent reduction,” tweet pa ni Tayag.

Sa nasabing bilang, 675 ang dahil sa fireworks, 20 ang dahil sa stray bullet at dalawa ang dahil sa firework ingestion.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply