Bilang ng lumabag sa Comelec gun ban, 154 na

gun-ban

UMAKYAT na sa 154 ang bilang ng mga taong naaresto dahil sa paglabag sa gun ban na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng May 13 midterm elections.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) sa Comelec, lumilitaw na sa 154 violators na nahuli ay 143 ang mga sibilyan at lima ang security guard.

May apat ring government officials at dalawang law enforcer na naaresto.

Samantala, nakarekober naman ang mga awtoridad mula sa kanila ng 139 armas at 238 iba pang uri ng sandata tulad ng air guns, replica guns, bladed weapons, at mga granada.

Matatandaang ang gun ban ay sinimulang ipatupad noong Enero 13, kasabay nang pagsisimula ng election period sa bansa.

Inaasahang magtatagal ang implementasyon nito hanggang sa Hunyo 12, o isang buwan matapos ang halalan.

Sa ilalim ng gun ban, ang mga lisensiya at permits to carry firearms outside residences ay suspendido muna at tanging ang mga law enforcers na naka- duty at naka-uniporme ang pinapayagang magbitbit ng armas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply