Bill sa ospital at gastusin sa libing ng batang tinamaan ng ligaw na bala sinagot ng mag-amang Echiverri

ella

INAKO nina Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri at Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri ang bayarin sa ospital at gastusin sa pagpapalibing sa batang babaeng namatay matapos tamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Mayor Echiverri, nagsasagawa na rin ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng iresponsable suspek na walang habas na nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa 2013.

Aniya, nakakuha na rin ang anim na slug ng kalibre .45 baril ang mga awtoridad malapit sa pinangyarihan ng insidente at nakatakda na lamang itong ikumpara sa balang tumama sa ulo ng biktimang si Stephanie Nicole Ella, 7-taong gulang ng #2066 San Lorenzo Ruiz St., Barangay 185, Malaria, Caloocan City.

Hihiling din ng alkalde sa pulisya na isa-isahin ang mga bahay sa naturang lugar upang matukoy kung isa sa mga nakatira dito ang nagpaputok ng baril na tumama sa ulo ng biktima na naging dahilan ng maaga nitong kamatayan.

Nangako rin si Mayor Recom sa pamilya ng batang biktima na hindi titigil ang kanyang pamunuan hanggang hindi nahuhuli at mapanagot sa batas ang may kagagawan sa pagkamatay ni Stephanie Nicole.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply