Billboard ng 1 motel sa Pasay pinababaklas ng pari

PINABABAKLAS ng isang pari ang billboard ng Victoria Court motel sa Pasay City.

Ayon kay Father Tony Navarete, Parish Priest ng San Juan Nepomuceno de Malibay, nakasaad sa batas na hindi dapat inilalagay sa pampublikong lugar ang anomang patalastas na naghihikayat ng imoralidad.

Nanawagan na rin ang pari sa pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na tanggalin ang billboard ng motel.

Giit ng pari, dapat aniyang hindi na pinayagan pang ikabit ang nasabing billboard noong una pa lamang.

“Ang billboard, it’s inviting people to commit something bad or immoral.” pahayag ni Fr. Navarete sa panayam ng Radio Veritas

Sa billboard ay naka-advertise din ang reservation sa Victoria court motel.

Nagtataka si Fr. Navarete kung bakit pinayagan na maikabit ang billboard gayong may batas na nagbabawal dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply