BINABABOY TAYO NG DAYUHAN AT KAGULUHAN SA SENADO

burdado- jun briones

TALIWAS sa ipinangangalandakan ng pamahalaang ito na kinikilala na ang Pilipinas sa ibang bansa dahil sa matuwid na daan, mali, parekoy, maling-mali ang nagaganap!

Sa totoo lang binababoy nila tayo…ang ating kalikasan, kapaligiran at hukuman!

Natatandaan pa ba ninyo ang ginawa sa atin ng isang US warship? Tinapunan ng kanilang waste materials o mga dumi ang ating karagatan. May nagawa ba tayo?

Wala!

Tapos inararo na naman ng isa pang US warship ang ating Tubbataha reef, may nagawa ba uli tayo? Wala na naman, ‘di ba?

Matapos ang pambababoy ng hijo de putang mga Kano sa ating karagatan at kapaligiran, kamakailan lamang ay mismong ang ating hukuman na talaga ang binaboy ng dayuhan.

Sa loob, parekoy, ng isang korte sa Cebu City ay walang habas na namaril ang isang Canadian na si John Pope kung saan napatay ang isang abogado at complainant at malubhang ikinasugat ng isang piskal.

Ibig sabihin, parekoy, wala talagang karespe-respeto sa atin ang mga dayuhan.

Sabagay, ano nga ba ang aasahan natin eh, tayo rin kasi ang nagbibigay ng napakataas na respeto sa mga hinayupak na ‘yan!

Kaya alam nila na kahit lamu-kusin tayo ay wala naman tayong gagawin.

Sariling atin nga, eh, lantarang inaagaw, nakapalag ba naman tayo sa Tsina?

-o0o-

PARANG mga bata, parekoy, ang ating mga senador, nagkakagulo na sila dahil sa hindi umano patas na kurakutan!

Unang ngumakngak si Sen. Miriam Defensor Santiago, sinundan ni Sen. Antonio Trillanes at ngayon ay ang magkapatid na Sens. Pia at Allan Peter ang rumaratrat kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Kung umasta ang mga hinayupak, aakalain mong mga tunay na makabayan. Pwe!

Kesyo bakit ipinamimigay ni JPE ang pera ng taumbayan, eh, hindi naman ito kailangan dahil patapos na ang taon.

Ok sana ang argumento, parekoy, ‘yan ay kung hindi mo malalaman na noong mga nakalipas na taon ay panay tanggap pala nila ng additional MOOE sa savings ng Senado.

Walang nagdadaldal noon, parekoy, dahil pantay-pantay ang partehan ng mga senador.

Ibig sabihin, kung bakit may mga nagmamarakulyo ngayon ay hindi dahil sa alam nilang bawal o mali ito kundi dahil mas makapal ang mantika sa nguso ng iba kesa sa kanila!

Nakakahiya kayo! Pwe!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply