BINABARAT ANG TUBBATAHA REEF AT HAMON KAY SILG ROXAS

burdado- jun briones

NAGTATAWARAN ngayon ang mga namamahala sa ating  Tubbataha reef at ilang opisyal ng US warship na sumira sa ating corals.

$300 ang presyo natin kada metro kwadrado. Ibig sabihin dahil nasa 1,000 sqm  ang nasira, nasa $300,000 o kung i-multiply sa piso ay mahigit P14 milyon lang ang babayaran ng pamahalaang Amerika sa ating bansa.

Ganyan na nga kamura, tumatawad pa, parekoy!

Lintek na presyong ‘yan, sa halaga ng coral reefs na kung ilang siglo na ang edad at kasama na rin diyan ang presyo ng ating kahihiyan na basta na lang papasukin ng mga dayuhang barko ng ‘di natin alam at matapos tayong perwisyuhin ay babaratin pa!

Tangna, parekoy, dapat na talagang maimbestigahan ng Senado ang bagay na ‘yan!

Ops, sandali . . . eh, ang Senado mismo ay dapat rin imbestigahan ang mga anomalya!

Ang gulo! Huh!

-o0o-

MATAPOS basahin kahapon ang ating kolum tungkol sa kawalan ng hakbang ni SILG Mar Roxas, sa naglipanang iligal na sugal sa Region 8,  nagtawanan pa ang grupo ni “Sammy”.

Bakit daw na sa isang Tabloid lang sila nai-diaryo?

“Kahit sa mga broadsheet nila ipalathala ay wala silang magagawa dahil sumusunod lang naman kami sa utos ni Sir Mar (Roxas).”

Pahayag pa umano nitong nagpapakilalang mga “striker” ng “Balay group” na pinamumunuan ni Roxas.

Ang grupong ito, parekoy, ni Mar Roxas ang nambabraso sa milyones na kontrata ng solar dryers ng Department of Agriculture (DA) sa Region 8.

At habang dinededma ni SILG Roxas ang katarantaduhang ito ng nagpapakilalang mga tauhan niya ay lalong sumasaludo sa kanila ang Regional Executive Director.

Sa kapal ng pagmumukha nitong mga demonyong nagpapakilalang striker mo, Mr. Secretary, ay tiyak kong wawasakin nila ng husto ang pangalan mo at ang Liberal party!

Kung gusto mong malinis ang pangalan mo sa Region 8, SILG Secretary, sir, sana paimbestigahan mo agad itong grupo ni Mr. Secretario.

Dahil hindi lamang ang milyones na proyekto ng DA sa nasabing rehiyon ang kanilang binabraso.

Niraratsada rin nitong grupo ni Secretario maging ang mga proyekto roon ng National Irrigation Administration.

Sa lahat ng kanilang pambabarako roon ay pangalan mo, Sec. Roxas, ang bitbit!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply