Binata kritikal sa naka-blanket

emergency-2

KRITIKAL sa pagamutan ang isang binata matapos tarakan sa batok ng hindi pa kilalang suspek na nakatalukbong ng blanket sa Caloocan City, Martes ng hapon.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si John Leri Verances, 28, ng Gen. Evangelista St., Bagong Barrio ng lungsod, sanhi ng saksak sa batok.

Base sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon, kasabay na naglalakad ng biktima ang kaibigan na si Ingke sa Raco St., Bagong Barrio nang mula sa likuran ay sumulpot ang suspek at tinarakan ang biktima.

Dahil sa nakatalukbong ng blanket ay hindi namukhaan ang suspek na mabilis na nakatakas habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek at motibo nito sa pananaksak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply