Binata kulong sa dalagitang ginahasa

crazy

KULONG ang isang binata matapos halayin ang dalagitang nalasing sa Valenzuela City Sabado ng hapon, Enero 26.

Nakilala ang suspek na si Allen Sanglap, 19, ng Siudad Grande, Lingunan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4 ng hapon, nakatambay ang biktimang edad 15 kasama ang ilang kaibigan sa Lingunan Bridge nang lapitan ng grupo ng suspek at inayang mag-inuman sa bakanteng lote sa Assumption Ville, Lingunan ng lungsod.

Pumayag naman ang biktima kasama ang mga kaibigan na nakipag-inuman subalit nakaramdam agad ng pagkahilo ang dalagita.

Nagpaalam na ang dalagita na uuwi na kung saan sinabi ng suspek na ihahatid na siya na pinayagan naman ng biktima.

Habang daan ay biglang hinatak ng suspek ang biktima sa madamong bahagi sa nasabing lugar at doon nagawang mahalay.

Matapos makaraos ay hinihatid ng suspek ang biktima sa tulay ng Lingunan bago iniwan habang humingi ng tulong ang biktima sa ilang nagdaraan na naging dahilan upang dalhin sa barangay hall upang mahismasan.

Tinawagan ng biktima ang mga magulang upang sunduin at sabihin ang nangyari na naging dahilan upang ipadakip ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply