Binatilyo kritikal sa buwelta ng 2 bagets

crime11

KRITIKAL ang isang binatilyo nang buweltahan at pagbabarilin ng dalawang lalaki habang ang una ay nakatambay malapit sa kanilang bahay sa Caloocan City Lunes ng gabi, Enero 28.

Inoobserbahan sa Quezon City General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Redick Gabiola, 15 ng Sto. Tomas Subd., Bagumbong, nasabing lungsod.

Nadakip naman si Bjay Yumang, 16 at kalugar ng biktima habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama ng una.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, nakatambay ang biktima malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at paulanan ng bala si Gabiola.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa QCGH ang biktima.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Yumang, habang nakatakas ang kasama.

Lumalabas na bago ang pamamaril ay nakatalo ng biktima ang ka-tropa ng mga suspek na naging dahilan upang bumuwelta ang mga huli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply