Binatilyo nabaril ang sarili

suicide-gun

POSIBLENG maputulan ng paa ang isang binatilyo matapos itong aksidenteng mabaril ang sarili kaninang madaling araw Enero 27, sa Nortbay Boulevard South, Navotas City.

Inoobserbahan ngayon sa Jose Reyes Memorial hospital si Joel boy Landisco 16 ng Blk 26 Lot 27 Kaunlaran Village NBBS matapos madurog ang buto sa kanang tuhod ng tamaan ng bala ng kalibre 38 baril.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Exequel Sangco ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas pulis, dakong alas 3:00 kaninang madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid, naglilinis umano ang biktima ng kanyang baril ng aksidenteng pumutok at timaan sa tuhod.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at hinahanap kung saan na ang nasabing baril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply