Binatilyo nakuryente sa poste sa Boracay, todas

bangkay

HINDI akalain ng isang binatilyo na ang paghawak niya sa poste ang magdadala sa kanya sa hukay matapos itong makuryente sa Boracay nitong Lunes ng gabi (Enero 14).

Idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong mataas na boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ng biktimang si Vinson Gelito, 16-anyos, residente ng Sitio Ambulong, Barangay Manoc-Manoc.

Base sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), naganap ang insidente dakong alas 8:30 nitong Lunes ng gabi sa Sitio Manggayad, Barangay Balabag sa isla ng Boracay.

Bago ito, kasama ng biktima ang kanyang mga kabarkada at habang naglalakad ay napahawak ito sa poste na pagmamay-ari ng Cañon de Boracay Resort.

Dahil may nakadikit ang naturang poste na talop na linya ng kuryente, kaya biglang nagkikisay ang binatilyo hanggang sa mawalan ng ulirat.

Hindi naman malaman pa kung pananagutin ng BTAC ang may-ari ng naturang poste dahil sa kapabayaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply