Binatilyo sugatan sa ligaw na bala

SUGATAN ang isang binatilyo matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa mga hindi pa nakikilalang mga lalaki na nagrambulan sa Caloocan City kaninang madaling araw, Enero 1.

Inoobserbahan sa Bernardino Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang pigi si Kenneth Joson, 17, ng Phase 8-A, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, nasa labas ng kanilang bahay ang biktima habang pinanonood ang mga kapitbahay na patuloy na nagpapaputok at nagsisindi ng pailaw sa pagsalubong ng Bagong Taon nang magkaroon ng rambulan.

Isa sa mga suspek ang nagpaputok ng baril subalit minalas na tinamaan ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa BH habang tumakas naman ang mga nagrarambulan.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply