Biniro ng mister na hihiwalayan, misis nagbigti sa QC

NAGBIGTI ang isang buntis na kasambahay matapos biruin ng kanyang mister na hihiwalayan na siya nito sa Quezon City, kaninang umaga (Enero 19).

Ang biktimang si Michelle Odebilas, 21anyos, na hinihinalang mahigit sa isang oras nang patay sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga ay dalawa hanggang tatlong buwan na nagdadalantao.

Natagpuan ang nakabitin na katawan ng biktima na may nakapulupot na extention wire sa leeg dakong alas 9:30 ng umaga sa basement ng bahay ng kanyang amo sa Project 3, Quezon City.

Ayon sa QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) bago ang insidente ay biniro ng kanyang mister na nasa Guiuan, Samar ang biktima na hihiwalayan siya nito kung hindi uuwi sa kanilang probinsya na sineryoso naman ni Odebilas.

Isang oras bago ang insidente, nag-text pa ang biktima sa kanyang ina na nasa Samar din at inilabas ang kanyang saloobin hinggil sa sinabi ng kanyang mister.

Marahil dinibdib at nangamba sa mangyayari, nagbigti ang biktima para takasan ang problema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply