BIR officials demoralisado sa ‘rigodon’

BIR

DEMORALISADO ang hanay ng mga key officials ng Bureau of Internal Revenue sa pagtatalaga ni Commissioner Kim Henares ng mga officer-in-charge (OIC’s) sa mga sensitibo at permanenteng posisyon sa pangambang maging sanhi ito ng pagbagsak ng tax collections ngayong taong 2013 sa kabila ng napakataas na P1.2 bilyong tax collection goal.

Ang ‘rigodon’ sa BIR ay pinasimulan ni Henares na ayon kanyang mga kritiko ay balot ng umano’y ‘palakasan,’ ‘padrino’ at ‘bata-bata system’ matapos hindi makakuha ng puwesto ang walong top revenue officials na inilagay sa ‘freezing capacity,’ ilang taon na ang nakalilipas matapos maluklok sa puwesto ang lady commissioner.

Kinuwestiyon din ang pagkuha ni LT-Regular Division Chief Cesar Escalada sa Samsung Company – ang pinakamalaking electronics company sa bansa ng Korean government – na nasa hurisdiksiyon ni Makati LTDO Chief  Edralin Silario sa pangako kay Henares na kukulektahan ito ng bilyong-piso.

Si Escalada ang umano’y ikalawa sa opisyal ng BIR na idineklarang ‘persona non-grata’ ng mga businessmen sa Cebu City. Ang una ay si retired Legaspi City Regional Director Ace Martines dahil sa umano’y ‘harassment’ sa mga taxpayers.

“It’s unfair . . bakit, mga bata-bata na lang ba ni Henares ang magagaling mangulekta? Tama ba na kahi’t hindi niya hurisdiskiyon ay puwedeng agawin ang isang tax case? Hindi ba kayang kulektahan ng malaking buwis ni Silario ang Samsung at si Escalada lang ang makagagawa nito?,” anang mga examiners at supervisors sa Makati City.

Si Escalada ay ilan lamang sa sinasabing  ‘super-lakas’ kay Henares at umano’y pinoporma para gawing ‘instant’ RDO (revenue district officer) sa Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply