Birthday boy patay sa riding-in-tandem

crime-scene-chalk-mark

HULING birthday na ng isang 18-anyos na binata makaarang barilin ito ng riding in tandem sa Tondo, Maynila, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Jhon Paul Fernandez, residente ng Felix De Leon St., Bambang Tondo.

Nakatakas naman ang mga suspek na angkas ng isang motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez, alas-12:40 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Bambang at Yakal sts. sa Tondo.

Nabatid na kasama ng biktima na magdiwang ng kanyang kaarawan ang kanyang kaibigan nang dumating ang mga suspek.

Tumigil umano ang mga suspek sa harap ng biktima at saka ito binaril at tinamaan sa kanang bahagi ng katawan na tumagos sa kaliwang bahagi ng leeg.

Nang bumagsak ang bitkima ay saka mabilis tumakas ang mga suspek.

Isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply