BoC Comm. Biazon, mananatili sa puwesto

pnoy8

PINABULAANAN ng Malakanyang na si Senator Ping Lacson ang napipisil ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagiging hepe ng Bureau of Customs (BoC).

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, malabong mangyari na italaga ni Pangulong Aquino si Lacson sa posisyong hanggang sa kasalukuyan  ay inuupuan ni Commissioner Biazon.

Bukod dito, nagsimula na aniya ang appointment ban noong Enero 13

“Meron naman pong nakatao po sa Bureau of Customs, si Commissioner (Rufino) Biazon,” anito

Ayaw namang magkomento ng Malakanyang sa di umano’y sinabi ni Commissioner Biazon na kahit sino pa ang ilagay ni Pangulong Aquino sa BoC ay wala nang mangyayari.

“I will have to check. I don’t think that Commissioner Biazon would say such a thing but I will have to check with him to verify if he indeed said that statement,” ayon kay Usec. Valte.

At sa tanong kung kuntento si Pangulong Aquino sa “performance” ng BoC sa collection ay sinabi ni Usec. Valte na “Wala pa naman pong nababanggit si Pangulo sa amin either way.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply