BoC, paiigtingin ang pagbabantay sa smuggled cigarettes at alak

sin-tax

DAHIL sa pagpasa sa Sin Tax Law,  malaki ang posibilidad na tumaas ang insidente ng pagpupuslit ng sigarilyo at alak.

Bunga nito, tiniyak ng Bureau of Customs (BoC) na lalo pa nilang paiigtingin ang pagbabantay sa mga smuggled cigarettes kasabay ng ipinapatupad na Sin Tax law.

Ayon kay Customs Commissioner Rufino Biazon, sa pagtaas sa presyo ng sigarilyo, inaasahang may magpupuslit ng naturang produkto sa bansa na ibibenta sa murang halaga.

Maging ang importasyon ng alak ay kanila rin, aniyang, tututukan para maiwasan ang pgpasok ng mga kontrabando.

Kung tutuusin, ayon sa opisyal, ay mas mura pa rin ang halaga ng sigarilyo sa Pilipinas kung ikukumpara sa produkto ng ibang mga bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply