Bong manok ng Lakas-CMD sa 2016 presidential race

sen-bong-revilla

MALAKI ang posibilidad na si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang mamanukin ng Lakas-CMD pagka-presidente sa 2016.

Sa press conference, sinabi nina Minority Leader Danilo Suarez at Isabela Rep. Rodolfo Albano na si Revilla ang posibleng itulak ng partido upang siyang pantapat ng oposisyon sa Liberal Party ni Pangulong Benigno Aquino sa presidential elections kung saan ang inihahanda ng LP ay si DILG Secretary Mar Roxas.

Kung pag-aaralan anila ang mga nagdaang karanasan ay mas malaki ang bentahe ng mga katulad ni Revilla na galing sa masa at mataas ang integridad gaya nina dating Pangulong Joseph Estrada at ng yumaong si Fernando Poe Jr.

Inihayag din ni Suarez na nakatakda ng italaga si Revilla bilang bagong chairman ng Lakas-CMD at ang magiging kapalit niya bilang pangulo ng partido ay si Leyte Rep. Martin Romualdez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply