Bonus sa mga kongresista kinumpirma

belmonte1

INAMIN ng ilang kongresista na tumanggap sila ng pondo nitong nagdaang Pasko kay House Speaker Feliciano Belmonte,  Jr. subalit ito ay para sa kani-kanilang operasyon sa tanggapan at hindi kasing-laki ng ipinamudmod sa Senado.

Sinabi ni Minority Leader Danilo Suarez na ang ipinamahagi na bonus nitong bago mag-December break ay karagdagang maintenance and other operating expense (MOOE) lamang “for us to give to our employees not entitled to Christmas bonuses.”

Ngunit hindi na maalala ni Suarez ang halagang nakasulat sa tseke na kanyang natanggap.

“Whatever it is, it’s being practiced every Christmas, this is my sixth (term) in Congress already. There’s really something that they give for you to spread to your staff not entitled to bonuses,” ani Suarez.

Naunang kinumpirma ni An Waray Partylist Rep. Florencio “Bem” Noel, chairman ng House Committee on Accounts na may mga kongresistang tumanggap ng P500,000 nitong nagdaang December.

Nilinaw niya na kalakaran na aniya ito tuwing dumarating ang Pasko subalit hindi ito bonus.

Ngayong December 2012 ang dating P200,000 MOOE ng bawat kongresista ay itinaas sa P500,000 bawat isa.

Ang MOOE ang ginagamit upang pansuporta sa operasyon ng government agencies gaya ng gugulin sa supplies at materials; transportation at travel utilities (water, power, etc.).

Ito rin ang ginugugol para sa 13th month pay o  bonus ng mga staff ng mga kongresista sa mga distrito.

Subalit ipinaliwanag ni Noel na hindi tumaas ang bonus ng mga kongresista dahil parehong budget pa rin ang ginugugol ng Kamara.

Sa ilalim ng 2012 budget, ang pondo ng Kamara para sa MOOE ay nasa P3 bilyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply