BPAT member patay sa boga ng kabaro

crime5

TODAS ang isang Barangay Peace Action Team nang aksidenteng mabaril ng kabaro sa Caloocan City Martes ng madaling-araw, Enero 29.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa bala sa kanang mata si Danilo Tadiwan, 52 ng Villa Luisa, North Bagumbong ng lungsod.

Tumakas naman ang suspek na si Ronald Lucasan, 39 at kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-12:30 ng madaling araw, kainuman ng biktima ang suspek sa kapitbahay na si Mark Artista at habang tumatagay ay inaalis ni Lucasan ang bala ng kanyang kalibre .40.

Biglang pumutok ang baril at minalas na tinamaan ang biktima na naging dahilan upang tumakas ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply