Brgy. Concepcion Uno wagi sa “Barangay Power 2012, Malinis, Kanais-nais” ng MMDA

PINAPURIHAN ng pamahalaang lungsod ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Del De Guzman ang Brgy. Concepcion Uno sa pagkakapanalo sa katatapos lang na “Barangay Power 2012, Malinis, Kanais-nais” ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Bukod sa karangalang mahirang na pinakamalinis na barangay sa Metro Manila sa Category B ng nasabing patimpalak, nag-uwi rin ng premyong PhP1M at plake ng pagkilala ang Brgy. Concepcion Uno mula sa isang programang ginanap noong ka-16 ng Enero sa Tanghalang Pasigueño, lungsod ng Pasig.

“Talagang naging maagap ang pamunuan ng Brgy. Concepcion Uno sa pagsunod at pagpapatupad ng kalinisan at solid waste management sa pangunguna ng kanilang yumaong kapitan, Rudy Francisco na ipinagpapatuloy ng kanilang bagong kapitan na si Noli Jocson,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ang nasabing patimpalak ay nilahukan ng may 1,705 na barangay sa Metro Manila na hinati sa apat na kategorya ayon sa kanilang land area at kita (income). Matapos nito,  ang 37 finalists na napili ay masusi muling sinala ng mga hurado mula sa MMDA, Department of Environment and Natural Resources , Department of the Interior and Local Government, at National Solid Waste Management Commission ang mga barangay upang maihayag ang mga nanalo sa apat na kategorya.

“Inaasahan  natin na magsisilbing huwaran ang kalinisan at mga proyekto sa solid waste management ng Brgy Concepcion Uno sa iba pang barangay dito sa ating lungsod. Higit sa parangal o pagkilala, ang kalinisan ay mahalaga para sa isang malusog at ligtas na komunidad at lungsod,” dagdag pa ni De Guzman.

Maliban sa Brgy. Concepcion Uno, nahirang din bilang isa sa apat na may pinakamalinis na barangay sa Metro Manila ang Barangay Ugong ng Pasig City, Barangay San Jose, at Blue Ridge B sa Quezon City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply