British national nilasing bago ginahasa ng kainuman sa Boracay

rape

NILASING muna ng todo bago ginahasa ng kanyang kainuman na lalaki ang isang British national sa Station 2 sa isla ng Boracay.

Kanina lamang ng umaga (Enero 29) isinampa ang reklamong panggagahasa ng biktima na itinago sa pangalan na Kate, 23-anyos, tubong United Kingdom, sa Branch 6 ng Aklan Regional Trial Court laban sa suspect na si Carlos San Jose, 36-anyos, residente ng Quezon City pero may part-time job sa isla na gumagawa ng dreadlocks sa buhok na katulong ang kanyang girlfriend na isang Syrian national.

Sa salaysay ng biktima sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), naganap ang panggagahasa sa kanya noong Enero 26 pa sa isang resort sa naturang isla.

Ayon sa biktima, bago ang insidente ay niyaya siyang ng suspect na kumain sa isang restaurant at nag-inuman ngunit hindi niya akalain na gagahasain siya nito.

Sinabi ng biktima na hindi na siya nakapalag dahil bukod sa hinang hina na siya ay mas malakas ang suspect kaysa sa kanya.

Nakakulong na ngayon ang suspect sa Aklan Rehabilitation Center.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply