Bumagsak na drone sa Masbate, galing sa Guam – US Embassy

aerial-target-drong

INIHAYAG ng embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas na galing sa Guam ang bumagsak na drone o unmanned aerial vehicle na nakita sa karagatan ng Masbate noong Linggo.

Sa isang kalatas, sinabi ng US embassy na ginamit sa military exercise sa Agana ang bumagsak na US drone.

Sinabi pa ni Tina Malone, tagapagsalita ng embahada na galing sa USS Chafee ang BMQ-74E Aerial Target na ginamit noong September 19, 2012 sa military exercise.

Naniniwala pa si Malone na tinangay ng malakas na alon ang US drone kaya napadpad sa karagatan ng Pilipinas.

Gayunpaman, hindi naman sinabi ng US embassy kung bakit tumagal ng 5 buwan bago natagpuan ang napadpad na US drone.

Samantala, ipinag-utos na ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ang isang imbestigasyon upang alamin kung papaano napadpad sa Pilipinas ang drone.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply