BUMALIK NA TIWALA

pakurot

BUMALIK na tiwala ng mga negosyante o mamumuhunan ang dahilan kung bakit lumagpas sa inaasahang target collection ang Sub-port ng Dadiangas sa General Santos City.

Naging matatag ang industriya ng tuna sa nasabing lugar sapagkat nagtiwala ang mga negosyante sa pamamaraan nang pamamahala ni Commissioner Ruffy Biazon sa Bureau of Customs.

Bukod sa tuna, humataw din ang industriya ng pinya kaya ang inaasahang P496.3 milyong target collection ng BoC ay umabot sa P512 milyon na malaking pruweba sa pamamahala ni Biazon na kayang-kaya nito na paangatin ang koleksyon na gabay tungo sa “tuwid na daan” ng Palasyo at ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nakita ng mga negosyante ang pagpupursige ni Biazon na nagtungo pa mismo sa General Santos (GenSan) upang personal na makita ang sitwasyon at maiprograma kung paano mailalatag ang proteksyon sa mga lehitimong negosyante at mapaigting ang kampanya laban sa smuggling.

Batid kasi ni Biazon na malaking tulong ang mga kompanya ng tuna at pinya para palakasin ang ekonomiya ng bansa na tutulong sa mga mamamayan para sa kanilang kabuhayan dahilan upang pagsumikapan naman ng pamahalaan kanibang si Biazon na pangalagaan.

Pangunahing layunin ni Biazon sa kasalukuyan na patuloy na higpitan ang kampanya laban sa smuggling upang maprotektahan ang libo-libong kababayan at makalikha ng investor-friendly environment nang sa gayon ay tuloy-tuloy ang pakinabang ng mga mamamayan at pamahalaan.

Dasal ng mga negosyante ng GenSan na tigilan na ang pamumulitika kay Biazon sapagkat kapag nawala ito sa puwesto ay tiyak na mamamayagpag na naman ang mga tiwaling negosyante at korap na opisyal na nasa BoC.

xxxxx

Bigyang daan po natin ang text ng isang reader na bumabatikos sa pamahalaang Aquino.

Ma’am Lea, sabi ng Palasyo lumago ang ekonomiya ng Pilipinas pero ang totoo, mga negosyante at mayayaman lang ang nakararamdam  ng sinasabi nilang paglago ng ekonomiya dahil kaming mga manggagawa ay nananatiling isang kahig, isang tuka.

Hindi naman tumataas ang mga sahod naming walang pera para mamuhunan pero tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis na dahilan din ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Lalong tumaas ang bilang ng krimen dahil na rin sa kahirapan ng buhay.

Hindi naman ito pinapansin ng pamahalaan ni Aquino sapagkat mas pinapaboran nito ang krimen na nahahalungkat ang pinagkukunan ng mga opisyal ng pamahalaan ng pagkakaperahan.

Sana naman sa halalan ay maisip ng mga katulad kong mahirap na huwag na padadala sa pulitika at sa halip ay tangkilikin ang mga kandidato na batid na magtatrabaho at hindi lang maghahakot ng yaman para sa pansariling interes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply