Buntis nahulog sa motorsiklo, tigok

crime3

HINDI na umabot ng buhay sa Aklan Provincial Hospital ang pitong-buwang buntis makaraang mahulog ito sa isang motorsiklo.

Nabatid na sinundo ni Judith Iradiel, 25, tubong Brgy. Bulabod, Malinao at kasalukuyang naninirahan sa Manhanip, Malinao, Aklan, ang kanyang live-in partner na si Joeben Ilohila na nakipag-inuman sa Poblacion Malinao kagabi.

Agad namang sumama ang live-in partner ng biktima at habang sakay na ng motorsiklo ay naalalang balikan sa bahay ng kainuman ang flashlight na naiwan.

Ngunit habang nasa daan pabalik ay nalubak ang motor at nahulog ang biktima at tumama ang ulo nito sa sementadong kalsada na naging sanhi ng pagkabagok nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply