Bus nagliyab sa Kyusi

fire

NASUNOG ang isang pampasaherong bus dahilan para lumikha ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng East Avenue, Quezon City kaninang umaga  Enero 21, 2013  (Lunes).

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Quezon City nasunog ang isang Mayamy bus (UVL-997) sa East Avenue, QC sa tapat ng National Kidney Transplant Institute dakong 6:00 ng umaga kanina.

Sinabi sa ulat na minamaneho ng isang Rodolfo Gallardo ang naturang bus nang biglang magliyab ang likurang bahagi ng bus.

Ayon sa ulat, nanikip ang preno ng bus dahilan para magliyab ito.

Wala naman nasugatan sa naturang insidente matapos agad na makababa ang mga pasahero ng bus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply