Bus, trak nagsalpukan sa Cebu: 8 na ang patay

3-dead

WALO na ang naitatalang namatay nang magsalpukan ang isang bus at trailer truck sa Barangay Oling, Naga City, Cebu sa ulat ng pulisya ngayon lamang.

Umaabot naman sa 20 ang sugatan na agad isinugod sa mga pagamutan.

Sa imbestigasyon, patungong Toledo City ang Calvo Bus nang sumalpok sa may kargang heavy equipment na trailer truck.

Sa lakas ng impact ay nahulog sa bangin ang bus na agad na ikinamatay ng walong pasahero.

Patuloy naman sa pag-rescue sa iba pang biktima na nasa bus dahil na rin sa mataas ang bangin na kinabagsakan nito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply